Phnom Penh — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Mayo 24, 2019 sa delegasyon ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na pinamumunuan ni Wang Yajun, Pangalawang Ministro ng Departamentong Pandaigdig ng Komite Sentral ng CPC, ipinahayag ni Hun Sen, Punong Ministro at Presidente ng Cambodia People's Party, ang pag-asang mapapalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng dalawang partido at bansa para mapasulong ang pagtatamo bagong progreso ng konstruksyon ng komunidad ng komong kapalaran ng Cambodia at Tsina.
Ipinahayag naman ni Wang ang kahandaan ng panig Tsino na isakatuparan kasama ng panig Kambodyano, ang mga mahalagang komong palagay na narating ng mga lider ng dalawang bansa, at palakasin ang kooperasyon sa "Belt and Road" para mapasulong ang ibayo pang pag-unlad ng relasyong Sino-Kambodyano.
Salin: Li Feng