|
||||||||
|
||
Ayon sa Islamic Republic News Agency (IRNA) nitong Linggo, Mayo 26, 2019, sinabi ni Pangulong Hassan Rouhani ng Iran na sa kasalukuyan, pinapatawan ng Amerika ng walang-katulad na presyur ang Iran. Aniya, minomonitor ng American satellite ang mga barko ng Iran, at di-puwedeng makadaong ang mga ito sa puwerto ng anumang bansa.
Ani Rouhani, matapos ang rebolusyong Islamiko ng Iran, wala pang nagaganap na ganitong pangyayari. Ngunit, hindi nito payuyukurin ang Iran, dagdag niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |