|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Mahathir Bin Mohamad, Punong Ministro ng Malaysia ang kahandaan ng kanyang pamahalaan na patuloy na palakasin ang relasyon sa Tsina at magsagawa ng mas mahigpit na pakikipagtulungan sa panig Tsino, sa iba't ibang larangan na gaya ng turismo, siyensiya, teknolohiya, at kultura.
Ayon sa ulat nitong Linggo, Mayo 26 ng Bernama, Malaysian National News Agency, ang nasabing mensahe ay mababasa sa salitang pambungad sa librong pang-alaala o souvenir book na inilathala ng Samahang Pangkaibigan ng Tsina't Malaysia bilang pagdiriwang sa ika-45 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa.
Dagdag pa ni Mahathir, sinusuportahan ng Malaysia ang Belt and Road Initiative (BRI), dahil nakikinabang ang lahat ng mga kasapi sa inisyatibang ito. Diin niya, para sa Malaysia, ang BRI ay pagpapatuloy ng walang-tigil na pagpapalitan at pagtutulungang pangkalakalan ng Tsina at Malaysia nitong ilang siglong nakalipas sapul noong sinaunang panahon.
Itinatag ng Tsina at Malaysia ang relasyong diplomatiko noong Mayo 31, 1974.
Salin:Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |