Mula ika-5 hanggang ika-7 ng susunod na buwan, isasagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Rusya, at dadalo sa Ika-23 St. Petersburg International Economic Forum.
Kaugnay nito, sinabi ngayong araw, Huwebes, ika-30 ng Mayo 2019, sa Beijing, ni Pangalawang Ministrong Panlabas Zhang Hanhui ng Tsina, na ang taong ito ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Rusya, at ang pagdalaw ni Xi ay ibayo pang magpapasulong ng relasyon ng dalawang bansa.
Ayon pa rin kay Zhang, sa St. Petersburg International Economic Forum, ilalahad ni Xi ang mga paninindigan ng Tsina sa pagpapasulong ng sustenableng pag-unlad, pagtataguyod ng multilateralismo, pagpapabuti ng pandaigdig na pangangasiwa, at iba pa.
Salin: Liu Kai