Iniharap kahapon, Martes, ika-28 ng Mayo 2019, ng Huawei Technologies Co. Ltd. sa hukumang Amerikano ang "motion for summary judgement" laban sa 2019 National Defense Authorization Act na pinagtibay ng Kongreso ng Amerika.
Ayon kay Song Liuping, Chief Legal Officer ng Huawei, ang naturang batas na nagbabawal sa mga departmentong pampamahalaan ng Amerika sa pagbili ng mga kagamitan ng Huawei ay isang "bill of attainder" na labag sa Konstitusyon ng Amerika. Umaasa aniya ang Huawei na idedeklara ng hukuman na unconstitutional ang batas na ito.
Dagdag ni Song, salungat ang naturang batas sa lehitimong prosidyur. Sinabi niyang, hinatulan nito nang walang paglilitis, at ipinataw ang mga restriksyon laban sa Huawei. Ang layon nito ay paalisin ang Huawei mula sa pamilihan ng Amerika, ani Song.
Salin: Liu Kai