Sinabi ng isang cover story sa pahayagang New York Times ng Amerika, na dahil sa mga restriksyon ng pamahalaang Amerikano sa Huawei Technologies Co. Ltd., naihinto ang konstruksyon ng mga imprastruktura ng telekomunikasyon sa kanayunan ng Amerika at kinakaharap ng mga magsasaka at rantserong Amerikano ang kahirapan sa komunikasyon. Kaugnay nito, ipinahayag kahapon, Lunes, ika-27 ng Mayo 2019, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang simpatiya sa mga mamamayang Amerikanong nagkakaroon ng problema. Pero aniya, walang pananagutan ang panig Tsino sa kalagayang ito.
Sinabi rin ni Lu, na sa kasalukuyan, buong lakas na pinipigil ng pamahalaang Amerikano ang Huawei. Pero aniya, walang katanggap-tanggap na katibayan ang pamahalaang Amerikano para rito, at nagresulta na ito sa aktuwal na kapinsalaan sa mga may kinalamang industriya at mamamayan ng bansang ito. Kaya, natural na lumitaw sa Amerika ang pagdududa at pagtutol sa naturang mga hakbangin ng pamahalaang Amerikano, ani Lu.
Salin: Liu Kai