Sa Potsdam Conference on National Cybersecurity na ipininid kahapon, Biyernes, ika-24 ng Mayo 2019, sa Alemanya, ipinahayag ni Hu Houkun, Deputy Chairman of the Board ng Huawei Technologies Co. Ltd., na dapat harapin sa pamamagitan ng pagtutulungan at katwiran ang hamon sa digital security.
Sinabi ni Hu, na ang mabilis na pag-unlad ng digital technology ay nagdulot ng maraming bagong hamong panseguridad, at walang kakayahan ang anumang indibiduwal, kompanya, at bansa na harapin nang solo ang mga hamong ito. Umaasa aniya siyang makatwiran at obdiyektibong tatasahin ng iba't ibang panig ang mga nakatagong panganib batay sa katotohanan, at magkakasamang haharapin ang mga hamon.
Kaugnay naman ng mga restriksyong inilabas kamakailan ng pamahalaang Amerikano sa Huawei, sinabi ni Hu, na walang batayan ang mga akusasyon sa Huawei, at hindi makatarungan ang naturang mga hakbangin. Ito aniya ay nagresulta sa negatibong epekto sa libu-libong supplier at napakaraming mamimili ng Huawei sa buong mundo, at ginugulo rin ang supply chain at kompetisyon sa pamilihan ng daigdig.
Salin: Liu Kai