Ayon sa white paper na pinamagatang "Posisyon ng Panig Tsino sa Pagsasangguniang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika" na inilabas Linggo, Hunyo 2, 2019, sinabi nitong sa nakakaraming bahagi ng kasunduang pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika, isinagawa ng huli ang atityud ng hegemonya at sobrang presyur, iginiit ang di-makatwirang kahilingan, at iginiit ang pagdaragdag ng mga puwersahang probisyong may kaugnayan sa soberanya ng Tsina. Anang dokumento, ito ang dahilan kung bakit hindi nagkasundo ang dalawang panig.
Anang white paper, ang pagdaragdag ng taripa ng Amerika noong isang buwan, ay taliwas sa komong palagay na narating ng mga lider ng Tsina at Amerika na lutasin ang alitan sa pamamagitan ng pagsasanggunian. Taliwas din ito sa inaasahan at mithiin ng mga mamamayan ng dalawang bansa at buong daigdig. Upang maipagtanggol ang sariling kapakanan, walang ibang pagpili ang Tsina kundi isagawa ang katugong hakbangin, anang white paper.
Salin: Li Feng