|
||||||||
|
||
Bilang tugon sa paglabag kamakailan ng American FedEx sa kaukulang regulasyon ng express industry ng Tsina, ipinasiya nitong Sabado, Hunyo 1, 2019 ng kaukulang departamento ng Tsina na imbestigahan ang nasabing kaso.
Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing Linggo, Hunyo 2, ni Wang Shouwen, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na winiwelkam ng Tsina ang lehitimong pagnenegosyo ng mga dayuhang bahay-kalakal sa Tsina. Aniya, kung lumalabag ang dayuhang kompanya sa batas ng Tsina, kailangang isagawa ang imbestigasyon alinsunod sa batas ng Tsina.
Diin din niya, isinapubliko kamakailan ng Tsina ang "Foreign Investment Law" kung saan nakasaad na pantay na pinakikitunguhan ng Tsina ang lahat ng mamumuhunan, at pinangangalagaan ang lehitimong kapakanan ng mga dayuhang mamumuhunan. Ngunit dapat nilang igalang at tupdin ang batas ng Tsina, dagdag niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |