Hiniling ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa pamahalaang Amerikano na itigil ang pagbaluktot sa katotonanan.
Winika ito ni Geng sa regular na preskon nitong Martes, Hunyo 4, bilang tugon sa magkasanib na pahayag ng Tanggapan ng Kinatawang Pangkalakalan at Kagawaran ng Tesorarya ng Estados Unidos. Binatikos ng nasabing pahayag ang Tsina sa pag-atras o "backtracking" sa bilateral na konsultasyong pangkabuhaya't pangkalakalan.
Diin ni Geng, binaligtad ng pahayag na Amerikano ang tama't mali. Dagdag pa ni Geng, malinaw na mababasa sa white paper na pinamatagang "Paninindigan ng Tsina hinggil sa Pagsasangguniang Pangkabuhaya't Pangkalakalan ng Tsina't Estados Unidos" ang buong proseso ng konsultasyon at mga may kinalamang katotohanan. Sinipi rin ni Geng ang white paper sa pagsasabing bawat pag-urong sa mga konsultasyon ay bunga ng pagtalikod ng pamahalaang Amerikano sa napagkasunduan ng magkabilang panig at mga pangako nito. Inilabas ng Tsina ang nasabing white paper nitong nagdaang Linggo, Hunyo 2.
Salin: Jade
Pulido: Rhio