Sa bisperas ng kanyang gagawing dalaw-pang-estado sa Rusya at pagdalo sa Ika-23 St. Petersburg International Economic Forum (SPIEF), magkasanib na kinapanayam si Pangulong Xi Jinping ng Tsina ng Itar Tass News Agency at Russian Newspaper ng Rusya.
Saad ni Xi, pagkaraan ng 70 taong pag-unlad, nasa pinakamagandang panahon sa kasaysayan ang komprehensibo, estratehiko, at kooperatibong parternship ng Tsina at Rusya. Matibay aniya ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, at kumakatig ang isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at mahahalagang pagkabahala.
Dagdag ni Xi, sa bagong historical starting point, sinasalubong ng relasyong Sino-Ruso ang bagong pagkakataong pangkaunlaran. May kompiyansa at kakayahan ang dalawang bansa na pasulungin ang pag-unlad ng kanilang relasyon sa mas mataas na antas, ani Xi.
Ibinahagi rin ni Xi ang kanyang pananaw tungkol sa kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Rusya, prospek ng pag-unlad ng kabuhayang Tsino, sinerhiya ng Eurasian Economic Union at Belt and Road Initiative, kooperasyon ng dalawang bansa sa mga balangkas na gaya ng BRICS (Brazil, Russia, India, China at South Africa) at Shanghai Cooperation Organization (SCO), isyu ng Syria, isyu ng Venezuela, isyung nuklear ng Iran at iba pa.
Salin: Vera