Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Tatlong katotohanan sa China-US trade talks

(GMT+08:00) 2019-06-03 10:08:17       CRI

Ipinalabas Linggo, Hunyo 2, 2019 ng pamahalaang Tsino ang white paper na pinamagatang "Posisyon ng Panig Tsino sa Pagsasangguniang Pangkabuhayan at Pangkalakalan ng Tsina at Amerika" kung saan inilahad ang kalagayan ng trade talks ng Tsina at Amerika at ipinaliwanag ang katotohanan ng pagsasangguniang ito sa mga aspektong gaya ng epekto ng trade friction ng dalawang bansa, ilang beses na pagbabago ng isip ng panig Amerikano sa proseso ng pagsasanggunian, at prinsipyo at posisyon ng panig Tsino sa pagsasanggunian. Ito ay nakakatulong sa komprehensibo at obdiyektibong pagkaalam ng komunidad ng daigdig sa pangyayaring ito.

Nitong mahigit isang taong nakalipas, nagkaroon ng 11 round ng pag-uusap ang Tsina at Amerika, at minsa'y natamo ang substansyal na progreso. Ngunit paulit-ulit na nagbago ang atityud ng panig Amerikano at maraming beses na ipinataw ang karagdagang taripa. Bukod dito, sinabi ng panig Amerikano na umurong ang Tsina sa pagsasanggunian, dahil layon nilang isagawa ang sobrang presyur sa Tsina at hanapin ang pinakamalaking pansariling kapakanan.

Upang mapangalagaan ang mga mamamayang Tsino at karapatan sa pag-unlad ng kabuhayan, nananatiling rasyonal ang atityud ng panig Tsino sa proseso ng pagsasanggunian. Ngunit hindi ito sumasagisag na tatanggapin ng panig Tsino ang mga di-makatwirang kahilingan ng panig Amerikano. Layon ng nasabing white paper na isalaysay sa daigdig ang totoong kalagayan ng pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Tsina at Amerika.

Ibinunyag ng white paper, pangunahin na, ang tatlong katotohanan sa trade talks ng Tsina at Amerika.

Una, ang grabeng kabiguan ng trade talks ng Tsina at Amerika ay dahil sa tatlong pagbabago sa paninindigan ng panig Amerikano.

Binatikos ng panig Amerikano ang umano'y "pag-urong" ng posisyon ng Tsina. Layon nitong isisi sa Tsina ang pagkabigo ng pagsasanggunian, at hanapin ang katuwiran sa pagdaragdag ng taripa. Sa katotohanan, ang grabeng pagkabigo ng pagsasanggunian ay dahil sa paghingi ng panig Amerikano ng labis na kahilingan, di-matapat na atityud, at pagpataw ng sobrang presyur laban sa Tsina. Binalik-tanaw ng white paper ang proseso ng tatlong beses na pagbabago ng paninindigan ng panig Amerikano noong Marso at Mayo ng 2018, at Mayo ng 2019. Ito ay nakakatulong sa pagkaalam ng mga tao kung bakit isinagawa ng Tsina ang mga ganting hakbangin.

Ikalawa, ang inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya ng Tsina ay nagmumula sa sariling pagpupunyagi sa halip na pagnanakaw.

Ang pangunahing katwiran ng paglulunsad ng trade war ng Amerika sa Tsina ay dahil di-umano sa pag-unlad ng Tsina sa pamamagitan ng "pagnanakaw" ng karapatan sa pagmamay-ari ng likhang-isip (IPR) at sapilitang paglilipat ng teknolohiya. Kaugnay nito, ginamit ng white paper ang maraming data, partikular ng mga opinyon mula sa American Chamber of Commerce at magasin, para malakas na ipaliwanag ang mga ito sa mga aspektong gaya ng konstruksyon ng sistema ng pangangalaga sa IPR, index ng inobasyon, at buong tatag na pagtutol sa sapilitang paglilipat ng teknolohiya. Ipinakikita nito na ang mga batikos ng panig Amerikano ay walang anumang batayan. Ang isinasagawa ng Amerika na tulad ng pagdaragdag ng taripa, pagbibigay-limitasyon sa pamumuhunan, at iba pa, ay mga hegemonyang hakbangin.

Ikatlo, ang pagdaragdag ng taripa ng Amerika ay nakakapinsala sa iba at hindi nakakabuti sa sarili. Hindi rin ito magreresulta sa umano'y "Make America Great Again."

Anang white paper, ang pagpapataw ng karagdagang taripa ng Amerika ay hindi nakapagpasulong sa paglago ng kabuhayan ng bansa, sa halip, nagbunga ito ng mga malubhang kapinsalaan.

Ang nasabing mga kapinsalaan ay kinabibilangan ng pagtaas ng gastos sa produksyon ng mga bahay-kalakal na Amerikano, pagtaas ng presyo ng mga paninda sa loob ng Amerika, negatibong epekto sa paglago ng kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan ng bansa, at paghadlang sa paluluwas ng Amerika sa Tsina.

Ipinakikita ng isang ulat na kung ipapataw ng Amerika ang 25% taripa sa lahat ng mga iniluluwas na paninda ng Tsina sa Amerika, sa darating na 10 taon, mababawasan ng 1 trilyong dolyares ang Gross Domestic Product (GDP) ng Amerika.

Bilang isang panig na sapilitang gumanti sa trade war, palagiang naninindigan ang Tsina na dapat lutasin ang problema sa pamamagitan ng diyalogo at pakitunguhan nang rasyonal ang trade friction ng Tsina at Amerika. Ngunit, ang trade talks ay suliranin ng kapwa panig, at kinakailangan nito ang magkasamang pagsisikap ng dalawang panig. Ayaw ng Tsina na ilunsad ang trade war, pero hindi ito natatakot na sapilitang gumanti, sabi ng white paper.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>