|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Mayo 21 (local time), 2019, sa isang panayam ng "Special Report with Bret Baier" ng Fox News Channel, ipinahayag ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na bukas pa rin ang pinto ng trade talks ng Tsina at Amerika. Aniya, walang anumang batayan ang akusasyon ng Amerika laban sa Huawei.
Kaugnay ng trade talks ng Tsina at Amerika, sinabi ni Cui na palagiang ipinalalagay ng panig Tsino na ang isang mainam na kasunduang pangkalakalan ay angkop sa kapakanan ng dalawang panig. Aniya, ang nasabing mabuting kasunduan ay dapat bumatay sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa at pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan. Nakahanda ang panig Tsino na makipagtalastasan sa panig Amerikano para magkaroon ng kasunduan, aniya pa.
Kaugnay din ng trade deficit issue, sinabi ni Cui na ang trade deficit ay hindi simpleng number games. Sa likod nito'y maraming elementong estruktural. Sa kabila dito, nakahanda pa rin ang panig Tsino na isagawa ang mga hakbangin para malutas ang isyu ng di-balanseng kalakalan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |