|
||||||||
|
||
Nitong Lunes, Hunyo 11, 2019, magkahiwalay na lumagda ng kasunduan ang China Gezhouba Group Company (CGGC) at China National Heavy Machinery Corporation (CNHMC) sa Electricite Du Cambodge. Ayon dito, itatatag ng nasabing dalawang kompanyang Tsino ang dalawang duel-fuel power plant sa Phnom Penh. Dumalo sa seremonya ng paglalagda sina Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Cambodia, Keo Rottanak, Manager ng Electricite Du Cambodge, at iba pa.
Si Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Cambodia
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Wang na ang nasabing proyekto ay lubos na nagpapakita ng prinsipyo ng "Belt and Road" Initiative. Aniya, inaasahan at hinihikayat ng Embahadang Tsino sa Cambodia ang mas maraming kompanyang Tsino na isagawa ang ibayo pang pakikipagkooperasyon sa kaukulang panig ng Cambodia para matamo ang mas maraming bunga sa iba't-ibang aspekto.
Si Keo Rottanak, Manager ng Electricite Du Cambodge
Ipinahayag naman ni Keo Rottanak na kasalukuyang nasa panahon ng napakabilis na pag-unlad ang kabuhayan at lipunang Kambodyano. Ito aniya ay isang mainam na pagkakataon para sa Tsina at iba't-ibang bansa sa daigdig.
Salin:L Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |