Nag-usap ngayong araw, Huwebes, ika-13 ng Hunyo 2019, sa Bishkek, kabisera ng Kyrgyzstan, sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Sooronbay Jeenbekov ng Kyrgyzstan.
Binigyan ng dalawang lider ng mataas na pagtasa ang pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Kyrgyzstan at bunga ng kooperasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
Ayon pa rin kay Xi, kinakatigan ng Tsina ang Kyrgyzstan sa pagdaraos nang mabuti ng gagawing Bishkek Summit ng Shanghai Cooperation Organization. Ipinahayag naman ni Jeenbekov ang pasasalamat sa pagkatig ng panig Tsino.
Pagkaraan ng pag-uusap, lumagda ang dalawang lider sa magkasanib na pahayag ng Tsina at Kyrgyzstan hinggil sa ibayo pang pagpapalalim ng komprehensibo at estratehikong partnership. Sinaksihan din nila ang pagpapalitan ng mga kasunduang pangkooperasyon ng dalawang bansa, at humarap sila sa mga mamamahayag.
Salin: Liu Kai