|
||||||||
|
||
Nagkasundo sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Sooronbay Jeenbekov ng Kyrgyzstan na ibayo pang pasulungin ang relasyon ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan.
Nagtagpo sina Xi at Jeenbekov nitong Miyerkules, Hunyo 12, sa palasyong pampangulo sa Bishkek, kabisera ng Kyrgyzstan makaraang dumating ang pangulong Tsino para sa dalaw-pang-estado at paglahok sa Ika-19 na Shanghai Cooperation Organization (SCO) Summit.
Kinilala ng dalawang pangulo ang mga natamong bunga ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan nitong 27 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong Sino-Kyrgyz. Nakahanda silang ibayo pang pasulungin ang pagtitiwalaang pulitikal, pagtutulungang pangkabuhayan, pagkakatigang panseguridad at koordinasyon sa mga isyung pandaigdig. Napagkasunduan din ng dalawang bansa na palalimin ang kooperasyon sa ilalim ng Belt and Road Initiative (BRI).
Bago dumating si Xi, inilathala ang librong Xi Jinping: Pangangasiwa ng Tsina sa wikang Kyrgyz. Kaugnay nito, sinabi ni Jeenbekov na mababasa sa akda ang mga karanasang pangkaunlaran ng Tsina na maaaring mapulot ng Kyrgyzstan.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |