Sa seremonyang idinaos ngayong araw, Huwebes, ika-13 ng Hunyo 2019, sa Bishkek, kabisera ng Kyrgyzstan, ginawaran ni Pangulong Sooronbay Jeenbekov ng Kyrgyzstan ng unang antas na Manas Order, pinakamataas na karangalan ng bansang ito, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Sinabi ni Jeenbekov, na ito ay bilang pasasalamat sa espesyal na ambag ni Xi para sa pagpapasulong ng komprehensibo at estratehikong partnership ng Kyrgyzstan at Tsina.
Ipinahayag naman ni Xi ang lubos na pagpapahalaga sa karangalang ito. Nakahanda aniya siyang magsikap, kasama ni Jeenbekov, para pasulungin ang walang humpay na pagtamo ng bagong bunga ng relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai