Lhasa, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina—Idinaraos Biyernes, Hunyo 14, 2019 ang porum hinggil sa pag-unlad ng Tibet. Nagpadala ng liham na pambati sa porum si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na ang Tibet ay mahalagang hangganan ng seguridad na ekolohikal ng Tsina, at mahalagang destinasyong panturismo sa daigdig.
Diin niya, ang taong 2019 ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, at ika-60 anibersaryo ng pagsasagawa ng Tibet ng demokratikong reporma. Aniya, sa pamumuno ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), nitong nakalipas na ilampung taon, pinakamalawakan at pinakamalalim na pagbabagong panlipunan sa kasaysayan ang naisakatuparan ng Tibet. Sa kasalukuyan, masagana ang kabuhaya't kultura ng bagong Tibet, may komprehensibong progreso ang lipunan, mainam ang kapaligirang ekolohikal, at maligaya ang pamumuhay ng mga mamamayan. Umaasa aniya siyang sasamantalahin ng Tibet ang pagkakataong pangkaunlaran, payayamanin ang magaling na kulturang tradisyonal, pangangalagaan ang kapaligirang ekolohikal ng talampas, isasagawa ang mas positibo't bukas na patakaran, at palalawakin ang pagpapalita't pagtutulungang panlabas, para likhain ang bagong kinabukasan ng Tibet.
Salin: Vera