Bishkek, kabisera ng Kyrgyzstan—Nagtagpo Huwebes, Hunyo 13, 2019 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at ang kanyang Afghan counterpart na si Mohammad Ashraf Ghani.
Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Afghanistan ay tradisyonal na mapagkaibigang magkapitbansa at estratehiko't kooperatibong partner. Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Afghan, na sa ilalim ng balangkas ng magkasamang pagtatatag ng Belt and Road, walang humpay na palalimin ang koopersyong may mutuwal na kapakinabangan ng dalawang bansa sa iba't ibang larangan, buong tatag na pasulungin ang mga proyekto ng pragmatikong kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan, at katigan ang pagpapalakas ng mga bahay-kalakal na Tsino't Afghan ng kooperasyon, batay sa simulain ng mutuwal na kapakinabangan at win-win results. Dagdag niya, tutulungan ng Tsina, tulad ng dati, ang pagpapalakas ng Afghanistan ng kakayahan sa paglaban sa terorismo at pangangalaga sa katatagan.
Ipinahayag naman ni Ghani na ang pagtatatag ng community with a shared future for mankind na iniharap ng Tsina at pagkatig nito sa proseso ng globalisasyong pangkabuhayan ay modelo ng pagpapasulong sa pagtatatag ng bagong relasyong pandaigdig sa ika-21 siglo. Nakahanda aniya ang kanyang bansa na sa pamamagitan ng sinerhiya ng sariling plano sa rekonstruksyon at pag-unlad at Belt and Road Initiative, itatag ang mas mahigpit na kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan sa Tsina.
Salin: Vera