Sa pagtataguyod ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, idinaos kagabi, Biyernes, ika-14 ng Hunyo 2019, sa Manila, ang evening gala bilang pagdiriwang sa ika-44 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at ika-18 Chinese-Filipino Friendship Day.
Lumahok sa aktibidad sina Charge d'Affaires Tan Qingsheng ng Emabahada ng Tsina, Umaaktong Kalihim ng Ugnayang Panlabas Enrique Manalo ng Pilipinas, Presidential Spokesperson Salvador Panelo, at mga kinatawan mula sa iba't ibang sirkulo ng lipunan ng Pilipinas.
Sa kani-kanilang talumpati sa aktibidad, sinabi ni Tan, na sa ilalim ng kasalukuyang mabilis na umuunlad na relasyon at tuluy-tuloy na lumalawak na kooperasyon, aktibong ipapatupad ng pamahalaang Tsino ang mas maraming proyekto ng pagpapalitan ng mga mamamayan ng Tsina at Pilipinas, para palalimin ang pag-uunawa ng mga kaibigang Pilipino sa Tsina. Sinabi naman ni Manalo, na ang Tsina ay mahalagang katuwang ng Pilipinas sa "Build, Build, Build." Aniya, ang kooperasyon ng dalawang bansa sa konstruksyon ng imprastruktura ay nagdudulot ng mga aktuwal na benepisyo sa mga mamamayang Pilipino, at mabunga rin ang kanilang kooperasyon sa pamumuhunan, kalakalan, turismo, at iba pang sektor.
Sa nabanggit na evening gala, itinanghal ng isang grupong pansining mula sa lalawigang Hainan ng Tsina ang mga palabas na lipos ng lokal na elementong kultural.
Salin: Liu Kai