Ngayong araw, Linggo, ika-9 ng Hunyo 2019, ay ang ika-44 na anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at ika-18 Philippine-China Friendship Day. Sa bisperas ng okasyong ito, ini-abuloy kahapon ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas at Tanggapan ng China Road and Bridge Corporation sa Pilipinas ang mga schoolbag, stationery, damit, pagkain, at pang-araw-araw na gamit sa mga bata sa Joy Kiddie Center sa Intramuros.
Sinabi ni Xie Yonghui, Counsellor ng Embahada ng Tsina sa Pilipinas, na ang aktibidad na ito ay naglalayong palalimin ang pagkakaibigan at pag-uunawaan ng mga mamamayang Tsino at Pilipino.
Sinabi naman ni Ren Xiaopeng, General Manager ng Tanggapan ng China Road and Bridge Corporation sa Pilipinas, ang donasyon ay isang paraan ng pagsasabalikat ng mga kompanyang Tsino sa Pilipinas ng responsibilidad na panlipunan, at pagpapakita ng kagandahang-loob sa mga mamamayang Pilipino.
Ang Joy Kiddie Center ay itinayo ng isang Chinese Filipino na si John Go Hoc. Ito ay lugar para sa mga mahirap na batang nakatira sa loob ng Intramuros pagkatapos ng paaralan. Araw-araw naglalaro rito ang halos 150 bata.
Salin: Liu Kai