Ayon sa isang pahayag na inilabas kamakailan ng working group ng World Trade Organization (WTO) na namamahala sa pagsusuri at paghawak sa hidwaang Sino-Amerikano sa Intellectual Property Rights (IPR), hiniling na ng Amerika na suspendihin ang paghawak sa hidwaan nila ng Tsina sa IPR hanggang Disyembre 31 ng taong ito.
Hindi isiniwalat ng nasabing pahayag kung bakit ginawa ng Amerika ang kapasiyahang ito. Ayon sa American Bloomberg News, noong Marso ng kasalukuyang taon, pinawalang-bisa at sinusugan na ng Tsina ang ilang probisyong pambatas na sinipi ng Amerika sa pag-apela sa hidwaan sa WTO na may kaugnayan sa "Foreign Investment Law," at iba pa.
Salin: Li Feng