|
||||||||
|
||
Mula Hunyo 12 hanggang 16, 2019, isinagawa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang dalaw-pang-estado sa Kyrgyzstan at Tajikistan, dumalo sa Ika-19 na Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) at Ika-5 Summit ng Conference on Interaction and Confidence Building Measures in Asia (CICA). Sa okasyon ng pagtatapos ng biyaheng ito, ipinahayag ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang nasabing biyahe ni Xi ay isang biyaheng mapayapang pakikipamuhayan, magkakasamang pagtatatag ng "Belt and Road," pagpapasigla ng "Diwa ng Shanghai," at pamumuno sa kooperasyon ng Asya.
Sa panahon ng kanyang biyahe, magkahiwalay na lumagda si Xi, kasama ng mga pangulo ng Kyrgyzstan at Tajikistan, sa magkasanib na pahayag tungkol sa ibayo pang pagpapalalim ng komprehensibo't estratehikong partnership, bagay na nakapagbigay ng bagong blueprint sa pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Sa panahon ng pagdalo sa SCO Summit at CICA Summit, narating nina Xi at mga lider ng iba't-ibang bansa ang malawakang komong palagay tungkol sa kung paanong isasakatuparan ang mga mahalagang bunga ng Ika-2 Belt and Road Forum (BRF) for International Cooperation, at pagpapasulong ng konektibidad sa rehiyon, pagpapataas ng lebel ng kooperasyon, at iba pa. Ito aniya ay nakapagbigay ng bagong kasiglahan sa magkakasamang pagtatayo ng "Belt and Road" sa mataas na kalidad.
Lubos namang pinapurihan ng mga kalahok na lider ang diwa ng talumpati ni Xi. Ipinahayag nilang patuloy na isasagawa ang bagong ideyang panseguridad at palalalimin ang pagtitiwalaan at kooperasyon sa iba't-ibang larangan upang makapagbigay ng mas malaking ambag sa kaligtasan at kaunlaran sa rehiyong ito.
Sinabi ni Wang, ang nasabing biyahe ni Xi ay isang mahalagang aksyong diplomatiko para patuloy na mapasulong ang pagtatatag ng global partnership, magkakasamang pagtatayo ng "Belt and Road," at buong tatag na mapangalagaan ang kapayapaan at katatagang pandaigdig. Naisakatuparan ng biyaheng ito ang inaasahang hangarin, at nakuha ang kapansin-pansing bunga, dagdag niya.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |