Sa artikulong inilabas kamakailan sa ilang malaking pahayagan ng Indonesya, sinabi ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), na ang "Jakarta Channel" na iniharap ng panig Tsino ay mabuting plataporma para sa magkakasamang pagharap sa mga hamon at pagtataguyod ng multilateralismo.
Sinabi ni Huang, na ang Jakarta ay lugar kung saan matatagpuan ang Sekretaryat ng ASEAN, at ang "Jakarta Channel" ay tumutukoy sa multilateral na plataporma ng iba't ibang mekanismong pangkooperasyon sa loob ng ASEAN at sa pagitan ng ASEAN at mga dialogue partner nito. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, pinapalakas ng mga may kinalamang panig ang pagpapahalaga sa "Jakarta Channel," at sa pamamagitan ng tsanel na ito, narating ang mga konkretong kooperasyon sa loob ng ASEAN, ASEAN plus 1, ASEAN plus 3, East Asia Summit, at iba pa.
Ipinahayag ni Huang, na ipinakikita ng "Jakarta Channel" ang diwa ng multilateralismo ng kooperasyon ng Silangang Asya. Umaasa rin aniya siyang, patitingkarin nito ang mas malaking papel para sa pagpapalakas ng relasyong Sino-ASEAN, at paglikha ng magandang kinabukasan ng rehiyong ito.
Salin: Liu Kai