Si Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika
Washington D.C. — Ipinahayag nitong Martes, Hunyo 18, 2019, ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na dapat gawin ng Tsina at Amerika ang tumpak na estratehikong desisyon tungkol sa kanilang relasyon sa hinaharap. Aniya, para mapanatili at mapasulong ang pundamental na kapakanan ng mga mamayan ng dalawang bansa at benepisyo ng mga mamamayan ng buong daigdig, dapat balangkasin ang malinaw na development plan.
Idinaos nang araw ring iyon sa Capitol Hill ang paggunita ng mga overseas Chinese sa gawing silangan ng Amerika, sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika. Sa kanyang talumpati, sinabi ni Cui na may espesyal na katuturan ang pagdaraos ng nasabing aktibidad sa Capitol Hill. Aniya, minsa'y ginampanan ng Kongresong Amerikano ang mahalagang papel sa proseso ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika.
Sinabi niya na nitong 40 taong nakalipas, ang lahat ng natamong progreso sa relasyon ng dalawang bansa ay may kaugnayan sa paglahok at pagkatig ng Kongresong Amerikano. Aniya, sa kasalukuyan at hinaharap, ang relasyong Sino-Amerikano ay nananatili pa ring isa sa mga pinakamahalagang bilateral na relasyon sa daigdig. Ang mainam na pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano ay patuloy na makakapaghatid ng benepisyo sa dalawang bansa at buong daigdig, dagdag niya.
Salin: Li Feng