Mula Lunes, Hunyo 17, 2019, idinaos ng Tanggapan ng mga Kinatawang Pangkalakalan ng Amerika ang pitong araw na pagdinig tungkol sa plano nitong dagdagan ng taripa ang mga inaangkat na produktong Tsino na nagkakahalaga ng halos 300 bilyong dolyares. Sa pagdinig, nagbabala ang mahigit sampung kinatawan ng mga bahay-kalakal ng Amerika na ang isasagawang tax hike sa mga produktong Tsino ay makakapagpataas sa gastos ng mga bahay-kalakal at pasanin ng mga mamimiling Amerikano, makakapagpababa sa kakayahang kompetitibo ng industriyang Amerikano, at makakapinsala sa kabuhayan at hanap-buhay ng bansa.
Ayon sa estadistika, saklaw sa bagong tax hike list ang mga produktong Tsino na may mahigit 3,800 uri. Karamihan sa mga ito ay consumer goods terminal. Kung magkakabisa ang bagong round ng pagdaragdag ng taripa, direktang maaapektuhan ang mga mamimiling Amerikano, anang mga kinatawan.
Bago idaos ang pagdinig, ipinadala na ng 520 kompanya at 141 asosyasyong pangkalakalan ng Amerika ang magkakasanib na liham kay US President Donald Trump kung saan hinihimok nila ang pamahalaang Amerikano na huwag dagdagan ng taripa ang mga inaangkat na produktong Tsino. Nanawagan din silang dapat panumbalikin ng dalawang panig ang talastasan para magkaroon ng kalutasan ang nasabing isyu.
Salin: Li Feng