Dumating kaninang tanghali, Huwebes, ika-20 ng Hunyo 2019, sa Pyongyang, Hilagang Korea, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, para pasimulan ang dalaw-pang-estado sa bansang ito.
Sa paliparan, inihandog nina Kim Jong Un, Tagapangulo ng Workers' Party of Korea at Tagapangulo ng State Affairs Commission ng Hilagang Korea at First Lady Ri Sol Ju, ang maringal na seremonya ng panalubong kay Xi.
Pagkaraan nito, isang malaking pagtitipun-tipon ang ginanap sa labas ng Kumsusan Palace of the Sun. Kasama nina Kim at Ri, binigyan sina Xi at First Lady Peng Liyuan ng mainit na pagtanggap ng mga opisyal ng partido at estado ng H.Korea at mga residente ng Pyongyang.
Salin: Liu Kai