Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo Linggo, Abril 28, 2019 kay Aung San Suu Kyi, State Counsellor ng Myanmar, sinabi ni Wang Yang, Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng Sambayanang Tsino (CPPCC), na magsisikap ang Tsina kasama ng Myanmar para maisakatuparan ang mga narating na komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa. Aniya, aktibong pasusulungin ng panig Tsino ang konstruksyon ng economic corridor ng Tsina at Myanmar sa balangkas ng "Belt and Road," at palalakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa mga larangang gaya ng lansangan, daam-bakal, konektibidad ng enerhiya, at pagbabawas ng karalitaan.
Pinasalamatan naman ni Aung San Suu Kyi ang ibinibigay na pagkatig at tulong ng Tsina sa Myanmar sa mahabang panahon. Nakahanda aniya ang Myanmar na patuloy at aktibong lumahok sa konstruksyon ng "Belt and Road."
Salin: Li Feng