Ipinahayag kahapon, Huwebes, ika-20 ng Hunyo 2019, sa Geneva, ni Roberto Azevedo, Director-General ng World Trade Organization (WTO), ang pag-asang sa G20 Summit na idaraos sa Osaka, Hapon, sa katapusan ng buwang ito, maisasagawa ang mga aktuwal na aksyon para mapahupa ang kasalukuyang alitang pangkalakalan.
Sinabi ni Azevedo, na hindi pa lumilitaw ang palatandaan ng paghupa ng tensyon sa kalakalang pandaigdig, at dahil dito, kinakaharap ng paglaki ng kabuhayan at kalakalan ang malaking presyur. Dapat aniyang isagawa ang mga pangkagipitang aksyon bilang tugon. Sinabi rin ni Azevedo, na sa kasalukuyan, naninindigan ang maraming lider sa kahalagahan ng multilateral na sistemang pangkalakalan, at umaasa silang mapapahupa ang alitang pangkalakalan at mapapangalagaan ang multilateral na sistemang pangkalakalan.
Salin: Liu Kai