Sa panayam kamakailan sa China Media Group, sinabi ni Rakesh Hamal, Tagapangulo ng Safa Sunaulo Nepal, Non-Governmental Organization ng Nepal sa mga isyung pangkabuhayan at panlipunan, na ang pagsidhi ng alitang pangkalakalan sa Tsina ay nagpapakita ng unilateralismo ng Amerika. Isinasaalang-alang lamang aniya ng Amerika ang sariling interes, at pinapawalang-bahala ang epekto sa ibang bansa at buong mundo.
Sinabi rin ni Hamal, na sa mula't mula pa'y tumatalima ang Tsina sa mga tuntuning pangkalakalan ng World Trade Organization at mga may kinalamang kasunduang pandaigdig. Hindi lamang aniya itinataas ng Tsina ang lebel ng sariling kabuhayan, kundi nagbibigay rin ito ng ambag sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Dagdag ni Hamal, ang kasalukuyang mga aksyon ng Amerika ay taliwas sa tamang pag-unawa.
Salin: Liu Kai