Nagpadala kamakailan ng liham ang Apple Inc kay Robert Lighthizer, United States Trade Representative, para himukin ang pamahalaang Amerikano na huwag magpataw ng karagdagang taripa sa mga paninda mula sa Tsina.
Sinabi ng Apple, na kung daragdagan ng pamahalaang Amerikano ang taripa sa 300 bilyong Dolyares na halagang mga paninda ng Tsina, maaapektuhan ang mga pangunahing produkto ng kompanyang ito. Dahil dito, liliit ang ambag ng Apple sa kabuhayang Amerikano, at hihina ang lakas kompetetibo nito sa buong mundo, dagdag ng kompanya.
Sa kasalukuyan, isinasagawa ng Tanggapan ng US Trade Representative ang pagdinig kaugnay ng pagdaragdag ng taripa sa mga panindang Tsino. Sa pagdinig, ipinahayag ng karamihan sa mga kinatawan ng mga bahay-kalakal at samahang industriyal ang pagtutol sa naturang hakbangin.
Salin: Liu Kai