Ayon sa pinakahuling ulat ng American world trade consulting company, ang pagdaragdag ng taripa ng Amerika sa mga inaangkat na electronic products ng Tsina ay makakapagpataas nang malaki sa presyo ng mga mobile phones at computers sa Amerika. Ito anito ay makakapagbigay ng napakalaking negatibong epekto sa mga mamimiling Amerikano.
Anang ulat, halos 3/4 ng mobile phones at mahigit 90% ng laptops ng Amerika ay inaangkat mula sa Tsina. Kaya kung ililipat ang supply chain sa ibang bansa, kinakailangan ang napakalaking gastos, at napakahabang panahon. Samantala, ang nasabing gastos ay papasanin, pangunahin na, ng mga mamimiling Amerikano, saad ng ulat.
Salin: Li Feng