|
||||||||
|
||
Ipinadiinan ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang pagkakaibigan sa pagitan ng mga mamamayan ng dalawang bansa ay ugat ng bukal o fountainhead ng pag-unlad ng relasyong Sino-Amerikano. Upang mapasulong ang matatag at walang-humpay na pag-unlad ng bilateral na relasyon, kailangang pakinggan ang tinig ng mga mamamayan at sundin ang kanilang hangarin, dagdag pa ni Lu.
Winika ito ng tagapagsalitang Tsino sa regular na preskon nitong Huwebes, Hunyo 20, bilang tugon sa resolusyong pinagtibay nitong Miyerkules, ng Senado ng Estado ng New York para mapasulong ang pagkakaibigang Sino-Amerikano at kilanlin ang ambag ng mga Chinese American. Ayon sa resolusyon, itinakda ang Oktubre 1, 2019 bilang China Day at ang unang linggo ng Oktubre, 2019 bilang Chinese American Heritage Week. Sinabi ng mga mambabatas na alam na alam nila kung gaano kahalaga ang Tsina at gusto nilang maging huwaran ang Estado ng New York sa mga ugnayang Sino-Amerikano.
Sinabi ni Lu, na sa okasyon ng ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Amerika, makabuluhan ang nasabing resolusyon at nagpapakita ito ng pananabik ng Estado ng New York sa pagpapasulong ng pagpapalitan at pagtutulungang Sino-Amerikano.
Salaysay ni Lu, sa katotohanan, nagpasa na ng katulad na panukala o naggawad ng sertipiko ng pagkilala ang mga lehislatura ng iba't ibang estadong Amerikano na gaya ng California, Nebraska, Tennessee, Iowa, Utah, at Illinois, bilang pagdiriwang sa ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina't Amerika at pagpapasulong ng pagkakaibigan at pagtutulungan. Ipinakikita ng mga ito ang komong hangarin para sa matatag at mainam na pag-ulad ng ugnayang bilateral, diin ni Lu.
Salin: Jade
Pulido: Rhio
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |