Makaraang magtagpo sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina at Sidiki Kaba, Ministrong Panlabas ng Senegal noong Enero 6, 2019, ipinahayag ni Wang na patuloy na pasusulungin ng Tsina, kasama ng mga bansang Aprikano, ang pagsasakatuparan ng mga bunga ng Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC) sa anim na aspekto.
Ang mga ito ay ang mga sumusunod: Una, itatag ang mas mahigpit na pinagbabahaginang kinabukasan ng Tsina at Aprika bilang tugon sa unilateralismo. Ika-2, palalimin ang pag-uugnay ng Belt and Road Initiative (BRI) at Agenda 2063 ng African Union (AU). Ika-3, balangkasin ang mga planong angkop sa kalagayan ng iba't ibang bansa. Ika-4, pasulungin ang makabagong pag-unlad ng kooperasyon ng Tsina at Aprika, at pataasin ang kalidad at bisa ng kooperasyon. Ika-5, ipauna at pataasin ang benepisyo ng mga mamamayan ng Tsina at Aprika. Ika-6, pasulungin ang magkakasamang pagsisikap ng iba pang panig ng daigdig para sa pag-unlad ng Aprika.
salin:Lele