Sa panayam na inilabas kamakalawa, Martes, ika-25 ng Hunyo 2019, ng Cable News Network, sinabi ni Sonny Purdue, Kalihim ng Agrikultura ng Amerika, na ang mga magsasakang Amerikano ay kabilang sa mga biktima ng alitang pangkalakalan ng Amerika at Tsina. Aniya pa, sinabi na niya kay Pangulong Donald Trump, na hindi puwedeng bayaran ang pagkalugi ng mga magsasaka sa pamamagitan ng patriotismo.
Ayon naman sa ulat, noong isang buwan, inilabas ng Kagawaran ng Agrikultura ng Amerika ang planong magbigay ng 16 bilyong Dolyares na tulong sa mga magsasaka, bilang kompensasyon sa kanilang kapinsalaan sa mga alitang pangkalakalan. Pero, ipinahayag ng kinatawan ng American Association for Agriculture, mga kongresista, at mga magsasaka, na ang tseke ng pamahalaan ay hindi kompensasyon sa nawalang pamilihan. Hinimok din nila ang pamahalaang Amerikano, na bigyang-wakas sa lalong madaling panahon ang mga alitang pangkalakalan sa mga iba pang ekonomiya, at marating ang mga solusyong makakabuti sa pangmatagalang katatagan.
Salin: Liu Kai