|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Hunyo 25, 2019, pumasok sa huling araw ang pagdinig tungkol sa pinaplanong pagdaragdag ng taripa ng pamahalaang Amerikano ang mga inaangkat na produktong Tsino na nagkakahalaga ng halos 300 bilyong dolyares. Nanawagan ang mga kinatawan ng maraming bahay-kalakal na Amerikano sa pamahalaan na huwag isagawa ang tax hike sa mga produktong Tsino. Ipinalalagay nilang ang pagdaragdag ng taripa ay makakapinsala sa kapakanan ng mga bahay-kalakal at mamimili ng bansa. Ito rin anila ay hindi makakatulong sa pangangalaga ng Karapatan sa Pagmamay-ari ng Likhang-isip (IPR) at pagkakataon ng trabaho sa Amerika.
Sinabi ng nasabing mga kinatawang Amerikano na dahil sa bentahe sa presyo at kakayahan ng produksyon na taglay ng mga Chinese supplier, nagiging napakahirap para sa mga kompanyang Amerikano na ilipat ang supply chains.
Bago magdaos ng pagdinig, ipinadala na ng 520 bahay-kalakal at 141 asosyasyong pangkalakalan ng Amerika ang magkakasanib na liham kay US President Donald Trump kung saan hinimok nila ang pamahalaan na huwag dagdagan ng taripa ang mga produktong Tsino at gumawa ng kalutasan sa pamamagitan ng talastasan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |