Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping, nanawagan sa G20 na magtulungan sa pagpapasulong ng de-kalidad na kabuhayang pandaigdig

(GMT+08:00) 2019-06-28 20:20:22       CRI
Dumalo at nagtalumpati ngayong araw, Biyernes, ika-28 ng Hunyo 2019, sa Osaka, Hapon, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Ika-14 na G20 Summit.

Sinabi ni Xi, na ang mga kasapi ng G20 ay mga pangunahing ekonomiya sa daigdig, at sa masusing panahong ito, may responsibilidad ang mga lider ng mga bansang G20 na igiit ang tamang direksyon ng kabuhayang pandaigdig at global governance, palakasin ang tiwala sa pamilihan, at idulot ang pag-asa sa mga tao.

Dagdag ni Xi, kinakailangan ng kabuhayang pandaigdig ang mga bagong lakas-tagapagpasulong. Iminungkahi niyang pasulungin ng iba't ibang panig ang estruktural na reporma, paunlarin ang digital economy, palakasin ang konektibidad, at buuin ang estrukturang industriyal, balangkas ng patakaran, at sistema ng pangangasiwa na angkop sa tunguhin ng pag-unlad sa hinaharap, para pataasin ang episiyensiya at pleksibilidad ng takbo ng kabuhayan, at isakatuparan ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan.

Kaugnay naman ng reporma sa World Trade Organization, ani Xi, ang layon nito ay mas mabisang tupdin ang layunin ng pagbubukas ng pamilihan at pagsasakatuparan ng pag-unlad. Ang resulta aniya ng reporma ay dapat makabuti sa pangangalaga sa malayang kalakalan at multilateralismo, at pagpapaliit ng agwat sa pag-unlad.

Ipinalalagay din ni Xi, na magkakaiba ang kalagayan ng pag-unlad ng iba't ibang kasapi ng G20, at natural ang pagkakaroon nila ng pagkakaiba sa interes at pananaw. Aniya, ang pinakamahalaga para sa G20 ay paggigiit sa diwa ng pagtutulungan, paggagalangan, at pagtitiwalaan.

Dagdag ni Xi, ang pagharap ng Tsina ng Belt and Road Initiative ay para palaganapin ang lakas sa pag-unlad, palakasin ang pag-uugnayan ng mga pamilihan, pasulungin ang paglahok ng mas maraming bansa at rehiyon sa globalisasyong pangkabuhayan, at isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win result. Tinukoy din niyang, sa kasalukuyan, umiiral pa rin ang malaking kakulangan sa pondo sa aspekto ng kaunlarang pandaigdig. Aniya, dapat palakasin ng G20 ang kooperasyong pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon, bilang tugon sa pag-asa ng mga umuunlad na bansa, at bilang ambag din sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.

Ipinatalastas din ni Xi ang mga bagong hakbangin ng kanyang bansa para sa pagpapalawak ng pagbubukas sa labas. Ang naturang mga hakbangin ay kinabibilangan ng pagpapalabas ng bagong version ng Negative List for Foreign Investment Access, pagpapalawak ng pagbubukas ng ilang industriyang gaya ng agrikultura, pagmimina, manupaktura, at serbisyo, ibayo pang pagpapababa ng pangkalahatang lebel ng taripa, pag-alis ng mga non-tariff trade barrier, pagpapairal ng Batas sa Pamumuhunang Dayuhan, pagpapawalang-bisa ng lahat ng mga limitasyon sa labas ng Negative List, at iba pa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>