Sa kanyang talumpati sa G20 Summit na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-28 ng Hunyo 2019, sa Osaka, Hapon, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na magkakaiba ang kalagayan ng pag-unlad ng iba't ibang kasapi ng G20, at natural ang pagkakaroon nila ng pagkakaiba sa interes at pananaw. Aniya, ang pinakamahalaga para sa G20 ay paggigiit sa diwa ng pagtutulungan, paggagalangan, at pagtitiwalaan. Dapat ding igiit ng mga kasapi ng G20 ang pantay na pagsasanggunian, hanapin ang mapagkakaisahan, isa-isangtabi ang pagkakaiba, kontrolin ang mga alitan, at palawakin ang komong palagay.
Salin: Liu Kai