Sa kanyang talumpati sa G20 Summit na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-28 ng Hunyo 2019, sa Osaka, Hapon, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagharap ng kanyang bansa ng Belt and Road Initiative (BRI) ay para palaganapin ang lakas sa pag-unlad, palakasin ang pag-uugnayan ng mga pamilihan, pasulungin ang paglahok ng mas maraming bansa at rehiyon sa globalisasyong pangkabuhayan, at isakatuparan ang mutuwal na kapakinabangan at win-win result.
Tinukoy din ni Xi, na sa kasalukuyan, umiiral pa rin ang malaking kakulangan sa pondo sa aspekto ng kaunlarang pandaigdig. Aniya, dapat palakasin ng G20 ang kooperasyong pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon, bilang tugon sa pag-asa ng mga umuunlad na bansa, at bilang ambag din sa paglaki ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai