Sa kanyang talumpati sa G20 Summit na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-28 ng Hunyo 2019, sa Osaka, Hapon, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na ang pagrereporma sa World Trade Organization (WTO) ay para mas mabisang tupdin ang layunin ng pagbubukas ng pamilihan at pagsasakatuparan ng pag-unlad. Ang resulta aniya ng reporma ay dapat makabuti sa pangangalaga sa malayang kalakalan at multilateralismo, at pagpapaliit ng agwat sa pag-ulad.
Ipinahayag din ni Xi, na dapat patuloy na patingkarin ng G20 ang namumunong papel sa pagsasakatuparan ng bukas, inklusibo, balanse, at panlahat na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Salin: Liu Kai