Inulit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na buong-tatag na ipapatupad ng bansa ang mga pangako nito hinggil sa pagpapasulong ng kaunlaran ng mga bansang Aprikano. Ito ang winika ni Xi sa kanyang pangungulo sa Pulong ng mga Lider ng Tsina at Aprika ngayong araw sa Osaka, Hapon bago idaos ang G20 Summit.
Nakahanda rin ani Xi ang Tsina na pasulungin ang suporta sa Aprika ng komunidad ng daigdig. Batay sa paggalang sa hangarin ng mga bansang Aprikano, hangad ng Tsina na kasama ng United Nations at ibang pang mga panig ng daigdig, na makipagtulungan sa Aprika.
Lumahok sa nasabing pulong sina Cyril Ramaphosa, Pangulo ng Timog Aprika, at dating co-chair na Aprikano ng Forum on China-Africa Cooperation (FOCAC); Abdel-Fattah al-Sisi, Pangulo ng Ehipto, at rotating chair ng African Union; Macky Sall, Pangulo ng Senegal at kasalukuyang co-chair na Aprikano ng FOCAC; at Pangkalahatang Kalihim Antonio Guterres ng United Nations.
Salin: Jade
Pulido: Mac