Nakipagtagpo Biyernes, Hunyo 28, 2019, sa Osaka, Hapon, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa kanyang Indonesian counterpart na si Joko Widodo.
Saad ni Xi, ang susunod na taon ay ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Indonesia. Dapat aniyang patuloy na magpunyagi ang kapuwa panig, para likhain ang bagong kalagayan ng mutuwal na kapakinabangan, win-win results, at magkakapit-bisig na pag-unlad ng dalawang bansa.
Dagdag ni Xi, nakahanda ang panig Tsino na isagawa ang kooperasyon sa mga bansang ASEAN sa mga aspektong gaya ng smart cities at digital economy, para maging bagong lakas-panulak ng pag-unlad ng dalawang bansa, maging ng buong rehiyon, ang siyensiya, teknolohiya at inobasyon.
Nagpahayag naman si Widodo ng kahandaang palalimin ang relasyong pangkabuhaya't pangkalakalan sa Tsina, pahigpitin ang koordinasyon sa loob ng mga multilateral na balangkas, at katigan ang pagpapalalim ng mga bansang ASEAN ng koordinasyon at kooperasyon sa Tsina.
Salin: Vera