Osaka, Hapon—Nagtagpo Biyernes, Hunyo 28, 2019 sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Pangulong Matamela Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika.
Diin ni Xi, nakahanda ang panig Tsino na walang humpay na palalimin ang pagtitiwalaang pulitikal at pragmatikong kooperasyon ng dalawang bansa. Dapat aniyang patuloy na katigan ng kapuwa panig ang isa't isa sa mga isyung may kinalaman sa nukleong interes at mahalagang pagkabahala, palakasin ang sinerhiya sa pagitan ng mga sumusunod: Belt and Road Initiative, "walong aksyon" ng 2018 Beijing Summit ng Forum on China-Africa Cooperation, at plano sa aksyon ng pamahalaang Timog Aprikano sa darating na 5 taon, at palalimin ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng production capacity, konstruksyon ng imprastruktura, pagdedebelop ng human resources, digital economy, hay-tek at iba pa. Nakahanda ang Tsina, kasama ng panig Timog Aprikano, na bahaginan ang karanasan sa mga aspekto ng pagpawi sa kahirapan, at ipagkaloob ang tulong para sa pagsasakatuparan ng Timog Aprika ng target na pangkaunlaran, dagdag ni Xi.
Ipinahayag naman ni Ramaphosa ang pagkatig sa pamumuhunan at pamamalakad ng mga kompanyang Tsino na gaya ng Huawei Technologies Co. Ltd sa kanyang bansa. Nakahanda aniya siyang pahigpitin ang pakikipag-ugnayan at pakikipagkoordina sa panig Tsino, sa loob ng mga multilateral na balangkas na gaya ng G20, BRICS (Britanya, Rusya, India, China at South Africa) at iba pa.
Salin: Vera