|
||||||||
|
||
Binuksan nitong Biyernes, Hunyo 28, sa Osaka, Hapon ang dalawang-araw na Ika-14 G20 Summit. Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa iba't ibang panig na maghawak-kamay para mapasulong ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Para rito, ipinatalastas ni Xi ang limang hakbanging isasagawa ng Tsina para sa ibayong pagbubukas sa labas.
Ang kasalukuyang taon ay ika-10 anibersaryo ng pagkakaganap ng pandaigdig na krisis na pinansyal. Sa kasalukuyan, muling nasa krus na daan ang kabuhayang pandaigdig. Tinukoy kamakailan ni Christine Lagarde, Managing Direktor ng International Monetary Fund (IMF) na dalawang taon na ang nakakaraan, 75% ng kabuhayang pandaigdig ang nakaranas ng bumilis na paglaki, at sa taong ito naman, 70% ng mga ekonomiya ng daigdig ang tinatayang makararanas ng mas mabagal na paglaki. Kaya lang, sa kasalukuyan, ang pagpili ng mga pangunahing ekonomiya ng daigdig ay may napakahalaga at pangmalayuang katuturan.
Kabilang sa limang pangunahing hakbang ng pagbubukas ng Tsina na nabanggit ni Xi ang una, pagpapalabas ng 2019 version ng negative list para sa akses ng puhunang dayuhan para sa ibayo pang pagbubukas ng agrikultura, pagmimina, manupaktura, at serbisyo ng Tsina, at pagtatatag ng anim na bagong free trade pilot zones; ikalawa, aktibong pagpapalawak ng pagluluwas at ibayo pang pagbabawas ng taripa; ikatlo, patuloy na pagpapabuti ng kapaligirang pangnegosyon at pagpapatupad ng bagong sistemang pambatas hinggil sa puhunang dayuhan simula Enero 1, taong 2020; ikaapat, ganap na pagsasagawa ng pantay na pakikitungo at komprehensibong pag-alis ng mga restriksyon na di mababasa sa nasabing negative list para sa puhunang dayuhan; ikalima, aktibong pagsasagawa ng mga pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan, at pagpapasulong ng pagtatapos ng talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP), at pagpapabilis ng talastasan sa China-EU Investment Agreement at talastasan hinggil sa China-Japan-South Korea free trade agreement.
Nitong ilang taong nakalipas, sa kabila ng epektong dulot ng digmaang pangkalakalan na inilunsad ng pamahalaang Amerikano, yugtu-yugtong inilabas ng Tsina ang mga hakbangin para ibayo pang magbukas ng pamilihan sa puhunang dayuhan. Bunga nito, noong unang limang buwan ng taong ito, nanatiling matatag ang takbo ng kabuhayan ng Tsina. Kabilang dito, umabot sa 12.1 bilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng bansa na lumaki ng 4.1% kumpara sa gayon ding panahon ng taong 2018. Umabot sa 369.06 bilyong yuan RMB ang aktuwal na ginamit na puhunang dayuhan na mas mataas ng 6.8%, kumpara sa gayunding panahon ng taong 2018. Muling pinatunayan ng nasabing mga datos na ang pagbubukas, sa halip ng proteksyonismo ay tamang landas para maisakatuparan ang malusog na pag-unlad ng kabuhayan.
Sa katatapos na G20 Summit, nanguna ang Tsina sa mga miyembro ng G20 sa pagpapalabas ng mga bagong hakbangin hinggil sa ibayo pang pagbubukas ng sariling pamilihan. Muli nitong ipinakita ang kahandaan at kagustuhan ng Tsina na makibahagi sa pagkakataong pangkaunlaran ng iba't ibang bansa para magkakasamang mapasulong ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Ang pagbabahagi at pagsasakatuparan ng komong kasagaaan ay nakaugat sa libu-libong kulturang Tsino na nagtatampok sa may harmonyang pakikipamuhayan, at pagkilala, pagpapahalaga at paggalang sa pagkakaiba ng iba't ibang kalinangan.
Salin: Jade
Pulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |