Bumalik sa Beijing ngayong takip-silim si Pangulong Xi Jinping ng Tsina pagkatapos ng kanyang paglahok sa dalawang araw na Ika-14 na G20 Summit, sa Osaka, Hapon.
Sa kanyang paglahok sa katatapos na summit, inilahad ni Xi ang limang hakbanging isasagawa ng Tsina para sa ibayong pagbubukas sa labas. Kinatagpo rin ni Xi si Pangulong Donald Trump ng Amerika sa sidelines ng summit. Nagkasundo ang dalawang pangulo na panunumbalikin ang pagsasangguniang pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa, batay sa pagkakapantay-pantay at paggagalangan. Ipinahayag ng panig Amerikano na hindi nito ipapataw ang karagdagang taripa sa mga produktong Tsino.
Salin: Jade
Pulido: Mac