Sa kaniyang pakikipagtagpo kay Donald Trump, Pangulo ng Amerika, sa sidelines ng G20 sa Osaka, Hapon ngayong araw, binigyan-diin ni Xi na ang esensya ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng Tsina at Amerika ay mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, at malaking komong interes ang dalawang panig. Aniya, tapat ang Tsina sa kagustuhan nitong ipagpatuloy ang talastasan at kontrolin ang pagkakaiba, pero, ang talastasan ay dapat pantay at may paggagalangan sa isa't isa. Aniya, sa mga isyung may kinalaman sa soberanya at dignidad ng bansa, dapat pangalagaan ng Tsina ang nukleong interes, at bilang dalawang malaking ekonomya ng daigdig, ang pagkakaiba sa pagitan ng Tsina at Amerika ay dapat lutasin sa pamamagitan ng diyalogo at pagsasanggunian.
Ipinahayag naman ni Trump na umaasa siyang maayos na malutas ang mga usapin ng pagkakaroon ng balanseng kalakalan ng dalawang bansa sa pamamagitan ng pagsasanggunian at magkakaloob ng pantay at makatwirang pagtingin sa mga kompanya ng dalawang bansa. Aniya, hindi magpapataw ng bagong karagdagang taripa sa mga paninda ng Tsina, umaasang daragdagan ng Tsina ang pag-aangkat mula sa Amerika, at nakahandang marating ang kasunduang matatanggap ng kapuwa dalawang bansa, at ito ay may katuturang makasaysayan.
Salin:Lele