Boao, Lalawigang Hainan ng Tsina—Idinaraos Martes, Hulyo 2, 2019 ang 2019 World New Energy Vehicle Congress (WNEVC). Nagpadala rito ng liham na pambati si Pangulong Xi Jinping ng Tsina.
Tinukoy ni Xi na pumapasok sa bagong yugto ang mabilis na pag-unlad ng industriya ng new energy vehicle. Ito aniya ay hindi lamang nakakapagpatingkad ng bagong lakas-panulak para sa paglago ng kabuhayan ng iba't ibang bansa, kundi nakakatulong din sa pagbabawas sa pagbuga ng green house gas, pagharap sa hamon ng pagbabago ng klima, at pagpapabuti ng kapaligirang ekolohikal ng buong mundo.
Diin ni Xi, iginigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng berde, low-carbon, at sustenableng pag-unlad. Kasama ang komunidad ng daigdig, nakahanda aniya ang Tsina na pabilisin ang pagpapasulong sa pag-unlad ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya ng new energy vehicle at mga kaukulang industriya, at gawin ang mas malaking ambag para sa pagtatatag ng malinis at magandang daigdig, at pagtatatag ng community with a shared future for mankind.
Salin: Vera