Kaugnay ng desisyon ng Iran tungkol sa unti-unting pagpapataas ng uranium enrichment purity, ipinahayag kahapon, Lunes, ika-8 ng Hulyo 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang kalungkutan ng kanyang bansa sa hindi pagtupad ng Iran sa Joint Comprehensive Plan of Action (JCPOA).
Ipinalalagay din ni Geng, na ang pagpataw ng Amerika ng labis na presyur sa Iran ay ugat ng paglitaw ng krisis ng isyung nuklear ng Iran. Aniya, hindi lamang unilateral na umurong ang Amerika sa JCPOA, kundi lumilikha rin ito ng mga hadlang sa pagpapatupad ng Iran at mga iba pang panig ng kasunduan, sa pamamagitan ng unilateral na sangsyon at long-arm jurisdiction. Sinabi rin ni Geng, na dapat igiit ng komunidad ng daigdig ang multilateralismo, sundin ang kaayusang pandaigdig na ang pundasyon ay pandaigdig na batas, at hanapin ang pulitikal at diplomatikong solusyon sa mga isyu sa pamamagitan ng pantay na diyalogo.
Salin: Liu Kai