Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

DoT Dive Night, idinaos sa Beijing

(GMT+08:00) 2019-07-13 16:04:50       CRI

Sa pagtataguyod ng Kagawaran ng Turismo – Tanggapan sa Beijing (DoT-Beijing Office), idinaos, Hulyo 11, 2019 ang Dive Night, isang aktibidad, kung saan maaaring makasalamuha ng mga maninisid, at turistang Tsino ang mga kompanyang Pilipino sa larangang ito.

Layon nitong maipakilala ang magagandang destinasyon sa pagsisid ng Pilipinas, lalung-lalo na ang mga umaahong mga destinasyong tulad ng Timog Leyte, Romblon, Camiguin/Medina, Saragani, Ticao Island at Davao.

Si Tomasito Umali (sa kaliwa), Tourism Attache ng Pilipinas sa Beijing

Sa panayam sa Serbisyo Filipino, sinabi ni Tomasito Umali, Tourism Attache ng Pilipinas sa Beijing, na sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at pagpupuirsige ni Kalihim Bernadette Romulo-Puyat, hindi lamang pagpo-promote ng mga destinasyong panturista ang kanilang pokus, kundi ang pangangalaga rin sa kalikasan.

Sa pamamagitan nito, mas mag-e-enjoy ang mga turistang nagpupunta sa Pilipinas, at magtatamo ng mas malaking kaunlaran ang mga mamamayang Pilipino sa lokalidad., ani Umali.

Ang Dive Night ay idinaos, isang araw bago buksan ang Asia Dive Expo (ADEX), isa sa pinakamalaki at pinakamatagal nang dive show sa buong mundo.

Raffle draw sa DoT Dive Night

Raffle draw sa DoT Dive Night

Mga nanalo sa raffle draw sa Dive Night

Hinggil dito, sinabi ni Umali na sa ika-25 anibersyo ng nasabing expo sa taong ito, nakipag-partner ang Pilipinas sa kanila, at ang Pilipinas din ang ginawang "Country Partner" sa taong ito.

Aniya, malaki ang benepisyong hatid ng paglahok ng Pilipinas sa ADEX dahil ang expo na ito ay kilalang-kilala ng maraming dive enthusiast, dive professional, at turista sa buong mundo, kaya naman maipapakilalang mabuti ang maraming destinasyong panturista ng Pilipinas, lalo na sa pagsisid.

Isa pang dahilan sa paglahok ng Pilipinas sa ADEX ay ang pagsusulong ng sustenableng turismo ng pagsisid at pangangalaga sa karagatan, dagdag ni Umali.

Pareho aniyang isinusulong ng pamahalaang Pilipino at ADEX ang mga nasabing adhikain, kaya naman, napapanahon ang pagsasanib-puwersang ito upang maipakilala sa buong Asya ang magagandang lugar sa pagsisid ng Pilipinas at maisulong ang kamalayan sa pangangalaga sa karagatan.

Si John Thet, Pangulo at Chief Executive Office ng ADEX

Samantala, dahil sa kanyang kontribusyon sa larangan ng pagsisid at pangangalaga sa karagatan, binigyan ng parangal ng DoT-Beijing Office si John Thet, Pangulo at Chief Executive Office ng ADEX.

Mga nanalo sa raffle draw sa Dive Night

Si Thet ang siya ring tagapagtatag ng Underwater 360, Historical Diving Society, Asian Geographic Society, at marami pang iba.

Siya rin ang Pangulo ng Media Publishers Association of Singapore, at Publisher at Editorial Director ng mga babasahing Asian Diver at SCUBA Diver Planet.

Bukod kay Thet, ginawaran din ng prangal ng DoT-Beijing Office si Desmond Ho, Regional Business Manager ng ADEX.

Ulat: Rhio
Photographer: Ramil Santos
Web Editor: Jade / Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>