Kinondena kahapon, Lunes, ika-15 ng Hulyo 2019, ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), Tsina, ang karahasang nakatuon sa pulisya na naganap pagkaraan ng isang demonstrasyon kamakalawa sa Sha Tin ng Hong Kong. Ito aniya ay sumira sa diwa ng "rule of law" ng Hong Kong.
Winika ito ni Lam sa kanyang pagbisita sa mahigit 10 pulis na nasugatan sa naturang karahasan. Ipinahayag niya ang pasasalamat sa mga pulis sa kanilang pagsasabalikat ng tungkulin ng pangangalaga sa katiwasayan ng Hong Kong, sa pamamagitan ng pinakamalaking propesyonalismo at pagtitimpi. Sinabi rin niyang, ini-iimbestigahan ng may kinalamang departamento ng pamahalaan ang insidenteng ito, at isasakdal sa lalong madaling panahon, ang mga may-kagagawan.
Sa perahong okasyon, sinabi naman ni John Lee, Secretary for Security ng Hong Kong, na ang naturang karahasan ay hindi ginawa ng mga karaniwang demonstrador, at ito ay pakana at organisadong aksyon. Dagdag niya, kung ihahambig sa mga nagdaang karahasan nitong mga araw na nakalipas, naging grabe rin ang mga bagay na ginamit para sa pagsalakay sa mga pulis. Noong dati ay mga karaniwang bagay na gaya ng payong lang ang ginamit, pero ngayon ay mga laryo at bakal na tubo ang mga gamit ng mga may-kagagawan, ani Lee.
Salin: Liu Kai